Tagalog Christmas Wishes, Greetings and Messages: Filipinos are known the world over for being a close knit family. This virtue of family is perfectly exemplified during the Christmas season. Christmas in the Philippines, like most other culture, is different in some ways but also the same in other aspects.
There’s the Simbang Gabi or early morning mass, the decadent rice pastries sold only during the season, and of course—the colorful parols or star lanterns. But amidst these seasonal traditions, one unchanging thing remains—the wish to have a meaningful and blessed celebration for our Lord’s birth and the desire to spread the joys of the season. Send your family and friends a heartfelt Christmas greetings written in tagalog. Here are some tagalog Christmas messages to use:
Browse other Christmas messages and wordings:
- Best Christmas Messages
- Happy Holiday Greetings, Messages and Wishes
- Christmas Messages for Teachers
- Christmas Messages for Wife
Tagalog Christmas Messages
“Mula sa akin at aking pamilya, hangad namin na magkaroon ka at ang iyong pamilya ng isang masagana at mapayapang Kapaskuhan.”
“Ang Kapaskuhan ay hindi lamang para sa mga bata, kundi para sa ating lahat na nagnanais na gawing maligaya, masagana at mapayapa ang araw ng ating pagdiriwang sa kapanganakan ng sanggol na si Hesus.”
“Ibinigay sa atin ng ating Ama ang regalo ng Kapaskuhan dahil sa Kanyang pagmamahal sa ating lahat. Nararapat lamang na ibalik natin ito sa ating kapwa habang ipinadiriwang natin ang pagsilang ni Hesus.”
“Ang espiritu ng Kapaskuhan ay hindi lamang matatagpuan sa loob ng isang nagdiriwang na tahanan, bagkus ito ay naninirahan sa puso ng bawat isa sa atin na naghahangad ng kabutihan at pagmamahal sa isa’t-isa.”
“Maligayang bati sa iyo at sa iyong pamilya ngayong Pasko. Hangad ko at ng aking pamilya mapuno ng pagmamahal, kabutihan at kapayapaan ang inyong mga puso.”
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon
“Isa sa pinakamasayang pagdiriwang ang Pasko. Bukod sa mga pagkain at regalo, ito ang panahon kung saan ang kahit na anong sugat ay naghihilom at ang pamilya ay muling nabubuo.”
“Ang biyaya ng Kapaskuhan ay ang pagkakaroon ng pananamalataay kay Hesus hindi lamang para sa ating sarili, kundi pati na rin sa ating kapwa.”
“Isang napakagandang regalo ngayong Kapaskuhan ang pagbibigay ng ating sarili sa ating kapwa. At isa rin sa mahalagang aral na pagsasabuhay ng pagmamahal ng ating Panginoon sa ating mga kapatid.”
“Sana sa Kapaskuhang ito ay maging liwanag tayo sa ating mga kapatid na kahit sa panaho na ito ay nakararanas ng kadiliman sa kanilang buhay at ibahagi sa kanila ang pag-ibig at kapayapaan ng ating Panginoon.”
“Sa gitna ng ating pagdiriwang ng Kapaskuhan, hangad ko na magakaroon ka ng pagkakataon ng katahimikan upang mapagmuni ang mga biyayang iyong natanggap mula sa ating Ama.”
Mensahe ng Kapaskuhan Para sa Pamilya at Kaibigan
“Ngayong pasko, sana ay matupad ang lahat ng iyong mga hiling. Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong pamilya.”
“Hinihiling ko ngayong pasko n asana ay maging mapayapa at masaya an gating kapaskuhan. Maligayang pasko at manigong bagong taon.”
“Wala na akong mahihiling pa pagkat ngayong pasko ay kapiling kita. Maraming salamat sa pagmamahal. Maligayang Pasko sa iyo.”
“Ang makasama ka ngayong pasko ang pinakamagandang regalo ang matatanggap ko. Maligayang Pasko.”
“Maging masaya nawa ang pagdiriwang ng kapaskuhan kasama ng iyong pamilya at mga kaibigan. Maligayang pasko sa iyo!”
Tagalog Christmas Greetings and Wishes
“Ngayong taon, ikaw ay naging liwanag sa aking mahabang paglalakbay. Sana ngayong Pasko ay ipagpatuloy mo ang misyong ito, upang ang buog mundo ay makamit ang liwanag ng ating Panginoon na naninirahan sa puso mo.”
“Sindihan mo pa sana ang mas marami pang kandila ng pag-asa, at nawa’y ikaw at ang iyong pamilya ay pagpalain ng ating Ama hanggang sa dulo ng mundo.”
“Ang mga araw na ito ay isang paalala na atin dapat pagsilbihan an gating kapwa sa kabila ng umaapaw na biyaya na natatanggap natin sa ating Panginoon.”
“Ang iyong matatag na puso ay kanlungan ng kabutihan ng kabuihan ng ating Ama. Nawa’y ikaw ay magsawang maging pag-asa ng iyong mga kapatid.”
“Kung ang mga anghel ay may kakayahang mag-anyong tao tuwing Kapaskuhan, sa tingin ko ikaw ay isa sa kanila dahil sa taglay mong kabutihan pananampalataya sa Diyos.”
“Ngayong Pasko, nawa ay mapuno ang inyong tahanan ng tamis ng pagmamahal mula sa inyong pamilya at mga kaibigan. Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon.”
Tagalog Christmas Wishes and Messages
“Matupad nawa ang lahat ng iyong hiling sa darating na kapaskuhan. Sana ay maging maligaya ka sa piling ng iyong pamilya. Maligayang pasko at manigong bagong taon!”
“Ang iyong liwanag ay kasing kintab ng mga bituin sa gabi. Hangad ko ngayong Pasko na bigyan ka pa ng ating Panginoon ng lakas upang manatiling gabay sa ating mga kapatid na ngayon ay napapariwara.”
“Ang iyong mga ngiti ay isang sandata na pinanday ng ating Panginoon upang kalabanin ang kalungkutan na maaring pumalibot sa iyo. Sana sa Paskong ito, magkaroon ka pa ng mas matatag na puso.”
“Para sa iyong mga kapatid, ang iyong tinig ay kanilang awit ng pag-asa. Sa Paskong ito, iyo sanang pasalamatan ang ating Panginoon sa biyayang ito na syang ipinagkaloob Niya sa iyo.”
“Nais kitang pasalamatan ngayong Pasko sapagkat ikaw ay isang nilalang na walang kakayahan na mapagod ngumiti at pangitiin ang mga taong nakapaligid sa iyo.”
“Sa buong taon, nakahahawa ang iyong kabutihan, kahit na ba na ito ay sa maliit na bagay lamang. Ang tanging hiling ko para sa iyo ngayong Pasko ay magkaroon ka ng dagdag na kabutihan sa iyong puso.”
“Maghatid nawa ng kaligayan at kapayapaan ang Paskong ito sa iyong buhay. Maligayang Pasko sa iyo at iyong pamilya.”
Merry Christmas in Tagalog, Filipino Christmas Greetings
“Tunay na nakakahanga ang iyong kabutihan at kagalingan. Hangad ko para sa iyo ngayong Pasko na maging maligaya ka at iyong pamilya.”
“Kahit na ikaw ay hindi naabot ng init aking yakap ngayong Kapaskuhan, ang aking pagmamahal ay lilipad sa iyong tabi at ipadadama sa iyo ang aking walang hanggang pagmamahal.”
“Ang ating pagkakaibigan ay isa na sa biyaya sa akin. Kaya ngayong Pasko, nais ko magkaroon pa tayo ng mas maraming kaibigan upang mapuno natin ang buong mundo ng kaligayahan.”
“Ang iyong matatamis na ngiti ay isang sa mga biyaya na ipinakaloob sa akin ng Panginoon ngayong taon. Sa Paskong ito, nais ko ibahagi mo rin ito sa nakararami upang mas maging masaya ang ating mundo.”
“Ang pagpupuri mo sa ngalang ng Panginoon say biyaya sa mundo. Nawa’y ang kapayapaan at kaluwalhatian ng langit ay mapasaiyo at sa iyong pamilya.”
Tagalog Merry Christmas Wishes and Greetings
“Hinihiling ko sa ating Panginoon ngayong Kapaskuhan na biyayaan ka ng higit pang lakas ng pangangatwan, liwanag ng kaiisipan, at tibay ng puso.”
“Ngayong Pasko, sana’y magkaroon ka ng tapang upang iwaksi ang galit sa iyong puso at patawarin ang iyong kapatid na nagkasala sa iyo.”
“Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya ang aking pasko ngayong taon. Salamat sa pagdating mo sa aking buhay. Maligayang Pasko.”
“Ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong taon. Maraming salamat sapagkat ginawa mong mas masaya ang aking buhay. Merry Christmas sayo!”
“Isa-puso nawa natin ang diwa ang kapaskuhan. Pagmamahalan at pagbibigayan. Nawa ay mapuno ng kaligayan ang ating pagdiriwang. Maligayang Pasko.”
“Magsaya, magdiwang, sapagkat isinilang na an gating tagapagligtas na si Hesukristo. Maligayang Pasko sa inyong lahat.”