Happy Birthday Messages in Tagalog

happy-birthday-messages-in-tagalog

Tagalog Birthday Messages: A special day becomes even more special when people celebrate it through giving back all the love and happiness they get from a special person. No matter your age, a birthday celebration is a day to make wonderful and beautiful memories. It is day to be thankful for all the blessings we received and will be receiving some more for the years to come.

Tagalog Birthday Wishes

tagalog birthday wishes

“Higit sa kasiyahan, ang hiling ko para sa iyo sa araw na ito ay mapagkumbabang kalooban sa lahat ng iyong tagumpay na matatamo mapagpasalamat na puso. Maligayang kaarawan.”

“Pasalamatan natin ang araw na ito saapagkat kinumpleto moa ng buhay ng mga taong nagmamahal sa iyo. Isang maligayang pagbati sa iyong kaarawan.”

“Sa mga araw na tulad na ito, pinapayagan ang mga lalaki na maging korni sa isa’t-isa. Kaya nais kitang batiin ng Maligayang Kaarawan kaibigan—kahit ang korni.”

“Dahil ikaw ay isa sa pinakamasayang tao na kilala ko, ang gusto ko lang para sa iyo sa araw na ito ay maraming masasarap na pagkain at masasayang tawanan nating magkakaibigan.”

“Dahil espesyal ang araw na ito sa iyo, syempre may regalo ka sa akin. Kahit na alam ko na hindi yan papantay sa pagkakaibigan natin dalawa. Malagiyang kaarawan!”

“Sa araw na ito, magtiwala ka sa kakayahan naming maglinis ng bahay at maghugas ng plato. Espesyal ang araw na ito kaya ikaw naman magpahinga at aasikasuhin. Maligayang bati Nanay!”

Happy Birthday Wishes in Tagalog

happy birthday wishes in tagalog

“Dahil kaarawan mo, sa araw na ito pipilitin ka naming mapahinga at magpakabusog. Kami ang bahala sa iyo nga Tatay. Maligayang kaarawan!”

“Sa pinakamasungit na babae sa buong mundo na kilala ko, nais kong malaman mong ikaw lang ate ko sa buong mundo. Mahal na mahal kita at maligayang kaarawan!”

“Simula noong mga bata pa tayo, ikaw na ang aking depinisyon ng walang katapusang kakulitan. Ayos lang yun bunso kasi hindi ako mapapagod sa pagmamahal sa iyo. Sana’y maging maligaya ka sa araw na ito.”

“Dahil sa iyo natuto akong makinig sa heavy metal at rock. Ipagpatuloy natin pagiingay lalo na sa araw na ito kuya. Maligayang kaarawan sa iyo!”

“Hindi kami magkukunwari na nakalimutan naming ang espesyal na araw na ito (kasi baka hindi mo kami ilibre), pero bilang isang babala, dahil birthday mo, meron kami sorpresa sa iyo. Happy Birthday!”

“Marami ka pang kaarawan na dadating sa buhay mo dahil sa kabutihan ng iyong kalooban. Sana ang araw na ito ay maging isa sa pinakamasaya sa iyong buhay. Maligayang kaarawan!”

Birthday Wishes Messages in Tagalog

birthday wishes messages in tagalog

“Nais kitang pasalamatan sa araw na ito, dahil kung hindi dahil sa iyo hindi ako matututong maging godmode gamer. Nailayo mo ako sa landas na maari sana akong mapariwara, kaya salamat kaibigan at maligayang bati.”

“Kalimutan mo ang diet sa araw na ito. Birthday mo kaya kakain tayo ng madami. Happy birthday!”

“Isa pa ring misteryo sa akin kung paano mo nakikita ang kabutihan sa kahit kanino. Kaya sa araw na ito, sasamahan kita at magiging mabait ako. Maligayang kaarawan!”

“Dahil araw-araw mong pinapasaya ang mga taong nasa paligid mo, ngayong kaarawan mo, gusto naming ikaw ang maging pinakamasayang tao sa mundo.”

“Sa bagong kabanata ng buhay mo na ito, sana’y makapagsulat ka pa ng maraming masasayang alaala. Maligayang bati sa iyong kaarawan.”

“Alam naming patuloy kang pagpapalain ng Panginoon dahil sa iyong kabutihan. Isang masayang pagbati sa iyong kaarawan.”

Tagalog Birthday Greetings

tagalog birthday greetings

“Sana’y mapuno ng maraming masasayang alaala ang araw na ito. Maligayang kaarawan anak.”

“Gusto ko na maging masaya ka sa araw na ito, kaya papayagan kitang patugtugin ang malalakas at mabibilis mong tugtog. Mahal kita anak at maligayang bati sa kaarawan mo.”

“Sa pinakamagandang anak sa buong mundo, sana’y huwag ka magmadaling magdalaga. Mahal ka naming ng iyong Tatay. Happy Birthday!”

“Sana sa araw na ito, makamit mo ang lahat ng ninanais mong magpapaligaya sa iyo. Maligayang Kaarawan.”

“Sana’y masiyahan ka sa araw a ito na puno ng pagkain, regalo, kaibigan at pamilya. Isang maligayang pagbati sa iyong kaarawan.”

“Matagal na naming alam na adik ka sa pancit canton. Kaya ngayong espesyal na araw na ito, umasa ka na hindi ka mabibigo sa amin. Maligayang kaarawan!”

“Totoong puro kalokohan lang ang alam natin gawin madalas, kaarawan mo, magseryoso naman tayo. Happy Birthday!”

About Annako 202 Articles
Hello, I’m Annako – a travel nerd, web buff wannabe, passionate blogger next door and a coffee addict. Writing is my passion so I write about anything. Enjoy!
Loading Facebook Comments ...

1 Trackback / Pingback

  1. 30th Birthday Wishes, Messages and 30th Birthday Card Wordings - Wordings and Messages

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


Current day month [email protected] *